Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hangad lamang ng DILG sa pamamagitan ng kumpas sa Philippine National Police (PNP) at ng mga local government units (LGUs) na matiyak ang kaligtasan ng lahat at maiiwas sa nakamamatay na sakit.
Sa ilalim na din aniya ng deklarasyon ng State of Public Health Emergency, may mga kalayaan ang bawat indibidwal na kinakailangang isaalang-alang tulad ng kalayaan sa pagbiyahe o malayang kumilos saanman nila naisin tungo naman sa ikagaganda ng kapakanan ng nakakarami.
Wala aniyang masama kung ipag-uutos man ng DILG sa PNP ang nararapat na hakbang dahil hindi naman aarestuhin ang mga estudyante bagkus ay papakiusapan lang na umuwi na lang kung ang mga ito’y makikitang nasa loob ng mall.
Ito aniya ay para na din sa kanilang kapakanan at maiiwas sa posibleng pagkakahawa ng virus.