Ayon sa Civil Service Commission (CSC), ito ay kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa CSC, “until further notice” ang suspensyon ng eksaminasyon.
Sinabi ng ahensya na bahagi ito ng preemptive health measure para maiwasan ang pagdami ng kaso ng sakit sa bansa.
Suportado rin anila ito sa ginagawang aksyon ng national and local government units laban sa virus.
Isasagawa sana ang CS exams sa 66 testing locations sa buong bansa kung saan nasa kabuuang 293,845 na indibidwal ang nakarehistro na kukuha nito.
Sa nasabing bilang, 253,419 ang kukuha ng Professional Level ng exam habang 40,426 naman ang kukuha ng Subprofessional Level.
Sa karagdagang detalye, maaaring tumawag ang examinees sa CSC Regional Offices, Contact Center ng Bayan sa numerong 165-65 o Public Assistance Center ng CSC sa numerong (02) 8951-2575 o 8951-2576.