P340,000 halaga ng ilegal na droga sa Cebu City; 2 timbog

Arestado ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
sa Cebu City, Lunes ng hapon.

Ayon sa PDEA Central Visayas (RO7), isinagawa ang operasyon sa 226 Sun Valley, V. Rama Avenue, Barangay Calamba dakong 2:00 ng hapon.

Nakilala ang mga nahuling suspek na sina Charles Ian Jasper Nadela at Joyced Clarence Nadela Guzman.

Nakuha sa dalawa ang dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu, isang cell phone at ginamit na buy-bust money sa operasyon.

Kasong paglabag naman sa Section 5 na may kinalaman sa 26b, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Read more...