Batay sa mapagkakatiwalaang source, ipinagpaliban ng SC ang pag-aksyon sa petisyon hanggang sa April 14.
Sa Abril, inaasahang mayroong Summer Session ang mga mahistrado na gagawin sa Baguio City at dito isasalang sa deliberasyon ang petisyon ng SolGen laban sa ABS-CBN.
Maaalala na nagnanais ang SolGen na mapawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation at subsidiary nitong ABS-CBN Convergence Inc. dahil sa ilang mga paglabag at umano’y pag-abuso.
Humihirit din ang Solgen sa SC ng gag order laban sa TV Network.
MOST READ
LATEST STORIES