PNPA alumni homecoming suspendido dahil sa COVID-19

Sinuspinde na ang taunang alumni homecoming ng Philippine National Police Academy.

Ayon kay PNPA Alumni Association board of Trustees chairman Police Brig. Gen. William Macavinta hindi na muna itutuloy ang aktibidad na dapat ay magaganap sa March 12 hanggang 15.

Ginawa ang suspensyon dahil sa COVID-19 scare.

Ayon kay Macavinta itatakda na lamang sa ibang araw ang PNPA alumni homecoming.

 

 

Read more...