Nagpalabas ng Certificate of Exemption ang FDA para sa SARS CoV-2 PCR Detection Kit.
Ang naturang mga testing kit ay likha ng mga scientist mula sa University of the Philippines- National Institute of Health (UPNIH).
Ang Department of Science and Technology (DOST) ang nagpondo para sa pag-develop ng mga kit.
Gagamitin ang testing kits sa pagsasagawa ng field testing.
Ayon kay FDA Director General Rolando Enrique Domingo, makatutulong ang testing kits para ma-accommodate ang mga pasyente na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.
“The increasing number of reported COVID 19 cases will require immediate diagnosis and monitoring. This will provide our laboratories with technological reinforcement to accommodate the growing number of patients to be tested and aid in early screening of positive cases. Furthermore, this will provide greater access to a less costly diagnostic procedure.” ani Domingo.