Customers ng Maynilad pinaiiwas muna sa pagpunta sa mga business office ng kumpanya

Hinimok ng Maynilad Water Services Inc. ang kanilang mga customer na iwasan muna ang pagtungo sa kanilang business offices.

Sa abiso ng Maynilad, kung mayroong concern, report o katanungan ay mas mabuting tumawag na lamang muna sa kanilang Hotline Number na 1626.

Maari ding magpadala ng mensahe sa Facebook Page at Twitter ng Maynilad.

Mahigpit ding magpapatupad ng seguridad sa mga business center ng Maynilad at ang mga mayroong karamdaman ay hindi papasukin.

Ito ay bahagi ng precautionary measures para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Read more...