Kapitan ng barangay patay sa pananambang sa Laguna

Nasawi sa pananambang ang isang kapitan ng barangay sa Mabitac, Laguna.

Pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng biktimang si Alfredo Facundo, 50 anyos.

Si Facundo ay kasalukuyang kapitan ng Barangay Lucong.

Nangyari ang pananambang alas 12:30 ng madaling araw ng Martes, March 10 habang kumakain ang biktima.

Agad tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Naisugod pa sa ospital si Facundo pero idineklarang dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...