CBCP Commission on Health Care magpupulong ngayong araw kaugnay ng paglaganap ng kaso ng COVID-19

Magsasagawa ng pagpupulong ngayong araw ang permanent council ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC).

Ito ay dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa sa kung saan sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) ay umabot na sa 24 ang kumpirmadong kaso.

Sinabi ni Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng CBCP Health care, sa ngayon pinapayuhan ang publiko na sundin ang mga naunang panuntunan na inilabas ng CBCP.

Sa isasagawang pulong ay maaring maglabas ng panibagong guidelines ang CBCP na ipatutupad sa mga simbahan.

Read more...