Global death toll sa COVID-19 mahigit 4,000 na

Umakyat na sa 4,025 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nasabing bilang, 3,136 ay mula sa China na nakapagtala ng 17 panibagong bilang ng mga nasawi sa nakalipas na magdamag.

Ang Italy ang pumapangalawa sa may pinakamaraming bilang ng nasawi na umabot na sa 463 makaraang makapagtala ng 97 nasawi sa magdamag.

Narito naman ang bilang ng nasawi sa iba pang bansa at teritoryo:

Iran – 237 (43 new)
South Korea – 53 (3 new)
France – 30 (11 new)
USA – 26 (4 new)
Spain – 30 (13 new)
Japan – 9 (2 new)
Diamond Princess – 7
Iraq – 7 (1 new)
UK – 5 (2 new)
Netherlands – 4 (1 new)
Hong Kong 3
Australia – 3
Switzerland – 2
Germany – 2 new
Egypt – 1
Thailand – 1
Taiwan – 1
San Marino – 2 (1new)
Argentina – 1
Canada – 1 new
Philippines – 1

Umakyat na sa 114,343 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa 113 mga bansa at teritoryo.

Sa nasabing bilang, halos 64,000 ang naka-recover na.

Ang China ay mayroong 80,753 na kaso; habang ang Italy ay mayroong 9,172 na kaso.

Nakapagtala naman na ng 7,478 cases sa South korea at ang Iran naman ay mayroong 7,161 cases.

 

Read more...