Unang simultaneous earthquake drill ngayong taon kinansela dahil sa COVID-19

Kanselado na ang pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill pra sa unang quarter ng taon.

Ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay gagawin sana sa March 12 ganap na alas 2:00 ng hapon.

Ginawa ang kanselasyon kasunod ng deklarasyon ng National State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19

Wala pa namang itinatakdang petsa ang Office of the Civil Defense kung kailan na lamang gagawin ang earthquake drill para sa 1st quarter ng taon.

 

 

Read more...