UAAP games suspendido na rin hanggang March 14

Sinuspinde na rin ng pamunuan ng UAAP ang lahat ng mga laro at events hanggang sa March 14.

Kasunod ito ng suspensyon sa klase ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Metro Manila mula ngayong araw, March 10 hanggang sa March 14 araw ng Sabado.

Bilang pagtugon sa utos ng pangulo na dapat lahat ng estudyante ay dapat manatili na lamang muna sa tahanan, sinabi ng UAAP na lahat ng naka-schedule nilang laro ay hindi na rin muna itutuloy.

Maglalabas na lamang ng panibagong abiso ang UAAP hinggil sa panibagong game schedules.

 

Read more...