Germany nakapagtala na ng nasawi dahil sa COVID-19

Nakapagtala na ang Germany ng unang dalawang nasawi sa COVID-19.

Umakyat na rin sa 1,224 ang bilang ng kaso ng sakit sa nasabing bansa.

Ayon sa mga health official, ang nasawi ay isang 89-anyos na babae mula sa bayan ng Essen at isang 78-anyos na lalaki na mayroong pre-existing health conditions mula sa rehiyon ng Heinsberg.

Sa southern state na Bavaria, ipinagbawal na ang pagsasagawa ng mga pagtitipon na aabot sa 1,000 o higit pa ang attendees.

 

Read more...