Lalaki patay sa engkwentro sa mga pulis sa QC

Patay ang isang lalaki sa engkwentro sa mga pulis sa Quezon City.

Sinundan ng mga tauhan ng Batasan Police ang suspek sa bahagi ng Batasan Hills nang makita na nag-counterflow ito sakay ng kaniyang motorsiklo.

Nang maabutan ay sinita ng mga pulis ang suspek at kinapkapan.

Nakuhanan ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Pero sa halip na sumuko, tinangka nitong takasan ang mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente.

Ang suspek ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Read more...