Klase sa buong Metro Manila sinuspinde ni Pangulong Duterte hanggang sa Sabado

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang araw na suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila.

Ayon sa pangulo dahil sa banta ng COVID-19 suspendido na muna ang klase hanggang sa March 14 araw ng Sabado.

Ginawa ng pangulo ang anunsyo matapos ang inter-agency meeting kaugnay sa COVID-19 na ginanap kagabi.

Tiniyak din ng pangulo na babantayan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang mga batang makikita sa labas.

Samantala maliban sa buong Metro Manila, marami na ring bayan sa iba’t ibang lalawigan ang nagsuspinde na ng klase ngayong araw, March 10.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

RIZAL
– Cainta
– Montalban
– San Mateo (hanggang March 13)

PANGASINAN
– Bugallon
– Lingayen

CAVITE (Buong lalawigan)
BULACAN (Buong lalawigan)

 

Read more...