Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 55 kilometers Southeast ng bayan nh Don Marcelino, alas-12:54 madaling araw ng Martes (March 10).

May lalim na 15 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...