Mas maraming Pilipino ang nakararanas ng hirap ngayong sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Ito ay ayon sa kampo ni Vice President Jejomar BInay na nagsabing kung pagbabatayan ang pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS, malinaw na ito ang lumalabas.
Ayon kay Joey Salgado, tagapagsalita ni Binay, batay sa fourth quarter survey ng SWS, nasa 50 porsiyento o tinatayang 11.2 milyong pamilya ang kinukunsidera ang sarili nila bilang mahirap.
Ito aniya ay mas mataas kumpara sa 48 porsiyento at 9 na milyong pamilya noong 2010.
Dahil aniya sa survey, malinaw na walang katotohanan ang sinasabing inclusive growth na ibinabandera ng kaslaukuyang administrasyon.
Hindi aniya maikakaila na nabigo ang pamahalaan sa pagpapaangat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa nakalipas na anim na taon.