Bagong Passenger Terminal Building ng Clark International Airport, malapit nang matapos

Malapit nang matapos ang konstruksyon ng bagong Passenger Terminal Building (PTB) ng Clark International Airport (CRK).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 97.81 porsyento nang tapos ang proyekto.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagsasagawa ng exterior finishes, ancillary facilities, specialist systems and equipment, at landside works sa PTB ng paliparan na tinaguriang “Asia’s Next Premier Gateway.”.

Oras na matapos ang proyekto, sinabi ng kagawaran na kaya nitong ma-accommodate ang 12.2 milyong pasahero taun- taon.

Triple itong mas marami kumpara sa dating kapasidad na 4.2 milyon kada taon.

Read more...