Easterlies, patuloy na umiiral sa bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies o mainit na hangin sa buong bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na nagdudulot ang hangin mula sa Pacific Ocean ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Wala naman aniyang makakapal na ulap na magdadala ng pag-ulan sa bansa sa mga susunod na oras.

Sinabi pa ni Rojas na walang inaasahang mabubuo o papasok na anumang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na pitong araw.

Samantala sa Miyerkules (March 11), asahan aniyang mararamdaman ang epekto ng Northeast Monsoon o hanging Amihan sa Hilagang bahagi ng Luzon.

Read more...