Pangulong Duterte, sinuway ang ipinatupad na ‘no touch policy’ ng PSG

Sinuway ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na ‘no touch policy’ ng Presidential Security Group (PSG) para sa punong ehekutibo sa gitna ng tumataas na kaso ng Covoronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa video ng RTVM, makikita ang pangulo sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa COVID-19.

Makikitang nakipagkamay pa ang pangulo kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Pagkatapos nito, nakipag-beso beso pa ang pangulo kay Tourism Secretary Bernadette Puyat.

Una rito, sinabi sa Radyo Inquirer ni PSG Commander Colonel Jesus Durante na ipatutupad nila ang ‘no touch policy’ sa sinumang lalapit kay Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pakikipagkamay, beso-beso at yakap.

Read more...