Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 304 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 6:43 ng gabi.

86 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...