WATCH: Urgent motion to resolve TRO ng PECO sa CA, hiniling na aksyunan na

Kinalampag ng Panay Electric Company (PECO) ang Court of Appeals para aksyunan na ang kanilang ng hirit na TRO laban sa MORE Electric and Power Corporation.

Ito ay sa pamamagitan ng urgent motion to resolve TRO ng PECO.

Ayon kay PECO legal counsel Atty. Estrella Elamparo, isinampa nila ang mosyon kasunod na rin ng kautusan ng Iloilo RTC na dapat ituloy ng PECO ang operasyon nito.

Sinabi ni Elamparo na sinabi sa ruling ng Iloilo court na taliwas sa kautusan nito ang ginawang pagtake-over ng MORE sa mga pasilidad nito.

Nilinaw aniya ng Iloilo RTC sa desisyon nito na dapat ang pagtake-over ay mahigpit na sumunod sa addendum kung saan ang addendum ay nakasaad na dapat magpatuloy ng operasyon ang PECO.

Umaasa ang PECO na maipapatupad nila sa lalong madaling panahon ang court order mula sa Iloilo RTC.

Dahil dito, iginiit ni Elamparo na hindi pa tapos ang laban at premature pa ang pagdiriwang ng MORE.

Samantala, nagbabala din ang PECO ng posibilidad ng malawakang brownout sa Iloilo kasunod ng ilegal na pagtake-over umano ng MORE Electric and Power Corporation sa mga pasilidad ng PECO.

Ayon kay Marcel Cacho, head ng Public Engagement and Government Affairs ng PECO, maliban sa mga brownout ay asahan rin ang pagtaas umano ng singil sa kuryente sa Iloilo.

Giit ni Cacho, ang ipinamamahaging kuryente ngayon ng MORE ay binili pa umano ng PECO pero ang MORE ang nakikinabang dahil sila ang naniningil sa mga consumer.

Dagdag pa ni Cacho, marami na ring consumer ang nalilito sa sitwasyon dahil pinalitan rin ng MORE ang mga metro ng kuryente ng walang paalam mula sa consumer.

Kinwestyon naman ni Atty Estrella Elamparo, abogado ng PECO ang pagbibigay ng Certificate of Public Convenience and Necessity ng ERC sa MORE gayong wala naman itong sapat na kakayahan at expertise para maging powe distributor.

Ang mga tauhan na sinasabi ng MORE ay mga dating tauhan rin umano ng PECO na napirata nila.

Pero ang problema, aniya ay mga contractual employee ng PECO ang nakuha nila na kulang sa expertise.

Ang legal battle sa pagitan ng dalawang power firm ay nagsimula matapos mapaso ang prangkisa ng PECO noong 2019 at ibigay ito ng Kongreso sa MORE Power.

Pero para maging smooth ang transition, nag-isyu ang ERC ng CPCN sa PECO.

Narito ang ulat ni Ricky Brozas:

Read more...