Paglalabas ng impormasyon ukol sa naitatalang kaso ng COVID-19, rerebyuhin ng DOH

Rerebyuhin na ng Department of Health (DOH) ang paglalabas ng impormasyon kaugnay sa mga naitatalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ay para maging harmonize ang impormasyon.

Nalilito kasi aniya ang taong bayan kung magkakaiba ang pahayag ng DOH at ng mga local government official.

Ayon kay Duque, dapat sa DOH lamang magsisimula ang impormasyon dahil sila ang may hawak ng impormasyon.

“Dapat ang pinanggagalingan po ng lahat ng information mula sa Department of Health kasi kami po ang may hawak ng mga detalye, ng mga impormasyon pero kinakailangan repasuhin muli itong ating reporting protocols at tignan natin kung paano mai-align yung mga LGU reporting protocols atn maharmonize natin para hindi nagkakaron ng tila nagrereport ang LGU ang dating sa mamamayan e ibang kaso ito sa nareport ng DOH earlier. So we will just harmonize, we will do the review and alignment,” pahayag ni Duque.

Kasabay nito, sinabi ni Duque na pangangalanan na rin ng DOH ang mga ospital na may mga pasyaente ng COVID-19.

Wala aniyang dapat na ikatakot ang publiko sa pagpunta sa mga ospital na may mga pasyente ng COVID-19 dahil mayroong quarantine area at maayos na hinahawakan ng mga health worker ang mga pasyanteng tinatamaan ng naturang sakit.

“Also from hereon, the DOH will be disclosing hospital names after coordination with hospitals to combat unverified or fake news. We would like to take this opportunity to reassure the public that our hospitals have infection prevention and controlled practices in place, so there is no need to avoid going to these hospitals especially if you feel unwell. For example, hospitals are already performing quarantine of their health workers among others,” dagdag ng kalihim.

Read more...