Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 20 na – DOH

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 10 ang karagdagang kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Dahil dito, nasa kabuuang 20 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Lahat ng resulta ng mga bagong kaso ay inilabas sa araw ng Lunes.

Kinolekta naman ang mga sample ng mga bagong kaso noong March 6, 7 at 8.

Sa ngayon, patuloy ang pagsasagawa ng DOH Epidemiology Bureau (EB) ng comprehensive contact tracing activities para sa mga bagong kaso.

Nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa mga local government unit (LGU) at Centers for Health Development para sa localized response at implementasyon ng infection prevention and control measures.

Read more...