Dalawang Filipino sa Lebanon, nagpositibo sa COVID-19

Dalawang Filipino sa Lebanon ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa “Laging Handa” press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Menez na apat na Filipino naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

“So, on this slide, you will see the latest information regarding the situation of the Filipinos in Hong Kong as was
reported, there are already 4 Filipinos who have been declared COVID positive,” ani Menez.

Nananatili aniya sa tatlo ang bilang ng mga Filipino na positibo sa COVID-19 sa Singapore, dalawa sa United Arab Emirates.

Ayon kay Menez, sa 80 Filipino na nagpositibo sa COVID-19 sa Japan, 40 na ang nakarekober.

Sa 40 na bilang, 21 na ang umuwi sa Pilipinas habang ang 19 ay nagpapagaling pa sa Japan at inaasahang pauuwiin din sa Pilipinas sa lalong medaling panahon.

“In Singapore, the figure remains at three; in the UAE, the figure also remains at two; in Japan, the 80 crew members who were left in Japanese health Institutions, out of the 80, 40 have recovered and 21 out of the 40 have already in fact
returned to the Philippines and the other 19 are progressing well as far as their health is concerned and hopefully they
will also soon be repatriated to the Philippines. We also received information that two Filipinos have also been identified
in Lebanon,” dagdag pa nito.

Sa kabuuan, 91 na ang bilang ng mga Filipino na nasa iba’t ibang bansa ang nagpositibo sa COVID-19.

Read more...