Zamboanga City gov’t, nakaalerto na vs COVID-19

Inihayag ng Zamboanga City goverment na walang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa lugar.

Sinabi pa ng health authorities sa nasabing lugar na wala ring naitalang “persons under monitoring (PUM).”

Gayunman, sinabi ni City Health Officer Dr. Dulce Miravite na nagsasagawa na sila ng mga hakbang para mapanatili ito.

“Health authorities remain vigilant among persons with history of travel especially from countries with confirmed
COVID-19 cases,” aniya pa.

Inabisuhan din ang mga residente sa lugar na nagkaroon ng travel history sa ibang bansa na magsagawa ng self-monitored home quarantine bilang precautionary measure sa nasabing sakit.

Sakaling nagkaroon ng travel history sa ibang bansa at hindi maayos ang pakiramdam, maiging magpakonsulta agad sa health care facility o tumawag sa kanilang hotline number na 955-9601.

Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, social distancing, pagtakip ng bibig at ilong kapag umuubo at bumabahing, iwasan ang matataong lugar at panatilihing malusog ang pangangatawan.

Read more...