Mga bagong unit ng UPS sa MRT-3 Depot, naikabit na

Naikabit na ang mga bagong unit ng Uninterruptible Power Supply (UPS) sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Depot, araw ng Linggo (March 8).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nailagay na rin ang mga bagong UPS unit sa North Avenue station.

Ginagamit ang UPS unit para magsilbing back-up power supply sa mga oras ng pangangailan sakaling magkaroon ng power interruption o power failure.

Bahagi pa rin ito ng malawakang rehabilitasyon sa nasabing linya ng tren.

Samantala, nauna nang napalitan ang UPS units sa substations ng Shaw Boulevard Station at Taft Avenue station noong March 7.

Read more...