Eat Bulaga! pansamantalang sinuspinde ang pagpasok ng live studio audience bunsod ng COVID-19

Pansamantalang sinupinde ang pagpasok ng live studio audience sa noontime show na “Eat Bulaga!.”

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng pamunuan ng noontime show na ito ay kasunod ng deklarasyon ng State of Public Health Emergency bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Layon anila nitong maiwasan ang pagkalat ng virus.

Maliban dito, layon din nitong matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga talent, staff, crew at ng mga manonood.

“Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19,” dagdag ng pamunuan ng “Eat Bulaga!.”

Read more...