Kinumpirma ng source ng Inquirer na tuluyan nang ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mosyon ng kampo ng nakababatang Binay.
Lumitaw na may mga nakitang malawakang mga anomalya ang Ombudsman sa panig nina Binay at ilan pa nitong mga kasamahan nang pahintulutan nito ang konstruksyon ng anim na phases ng Makati City Hall Building 2.
May responsibilidad aniya si Binay na tiyakin na nasa maayos ang lahat ng mga kontratang pinapasok ng lokal na pamahalaan ng Makati City na hindi nagawa nang mga ito nang makipagtransaksyon sa mga kontratista sa naturang proyekto.
Matatandaang si ex-Makati Mayor Junjun Binay at 19 pang opisyal ng Makati City ay sinibak sa tungkulin noong October 2015 dahil sa umano’y kuwestyunableng mga kontratang napapaloob sa konstruksyon ng kontrobersyal na Makati City Hall Building 2.
Ang naturang proyekto ay umabot sa halagang P2.28 bilyong piso.