Graduation rites pinatitiyak ni Sen. Win Gatchalian na COVID-19 free

HInikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang task force ng DepEd na tiyakin na masusunod ang health protocols sa pagdaraos ng graduation ceremonies.

Ginawa ni Gatchalian ang apela kasabay ng lumolobong bilang ng mga kaso ng COVID-19 at sa patuloy na pagkakaroon ng kaso ng sakit sa higit ng 100 bansa.

Banggit pa ng senador ang huling hakbang ng World Health Organization (WHO) sa pag-upgrade sa ‘very high’ sa kanilang global risk assessment base sa bilis ng pagkalat ng virus.

Aniya sapat na itong dahilan para tiyakin ng DepEd na masusunod ang protocols sa mga moving up at graduation ceremonies.

Diin ni Gatchalian napakahalaga na nakikipag ugnayan ang pamunuan ng nga eskuwelahan sa local health authorities para sa risk assessment.

 

Read more...