DepEd nagpalabas ng guidelines sa pagsususpinde ng klase dahil sa COVID-19

Nagpalabas ng guidelines ang Department of Education (DepEd) na maaring sundin ng mga paaralan sa pagsuspinde ng klase dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na DepEd Memorandum number 34 naglatag ng mga polisya matapos itaas ng Department of Health ang Cod Red sublevel 1 dahil sa sakit.

Narito ang alituntunin na maaring sundin ng mga Regional Directors, School Division Superintendents at school heads:

– Kung ang isang paaralan ay may isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 maaring magdeklara ng suspensyon ng klase ang school head
– Kung mayroong dalawa o higit pang paaralan sa isang lungsod o munisipalidad na mayroong kumpirmadong kaso ng COVID-19 maaring magdeklara ng suspensyon ng klase sa apektadong paaralan, kalapit na lugar o depende sa lokal na sitwasyon
– Kung mayroon nang community-level transmission sa isang lungsod o munisipalidad ang School Division Superintendents ay maaring magdeklara ng suspensyon ng klase sa apektadong lungsod o munispalidad
– Kung mayroon nang community-level transmission sa dalawa o higit pa na probinsya ang Regional Directors ay maaring magdeklara ng class suspension
– Ang kumpirmasyon ng kaso pati na ang pagkakaroon ng community-level transmission ay dapat manggagaling lang sa DOH

 

Read more...