Ayon kay Ong, hindi dapat limitado sa mga POGO workers ang training sa GMRC kundi sa lahat ng mga dumarating na taga mainland China sa bansa.
Sinabi nito na hindi racism ang pag-obliga sa mga dunarating na dayuhan na irespeto ang kultura at tradisyon sa Pilipinas.
Paliwanag ni Ong, Nagkakaroon na nang pattern ngayon kung saan nasasangkot sa gulo at krimen ang mga Chinese mainlanders tulad nang drug-trafficking, prostitution, kidnapping, gun-for-hire at money laundering.
Naging notorious rin na aniya ang mga dumarating na Chinese nationals sa pagiging bastos kaya marapat lamang na ipaalala sa mga ito na bagama’t hospitable ang mga Pilipino ay kailangan pa rin nilang sumunod sa batas ng Pilipinas at bigyan nang paggalang ang kultura at trandisyon ng bansa.
Samantala, sabi ni Ong Kailangan ding magsagawa ng regular inspection ang PAGCOR at Bureau of Immigration sa lahat ng POGO facilities at i-audit ang lahat ng mga empleyado nito.
Kinalampag din ng mambabatas ang PAGCOR para bilisan ang pagbibigay ng Gaming Employment License (GEL) identification cards sa lahat ng mga registered Chinese POGO workers.
Makakatulong anya GEL IDs sa monitoring na ginagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19 pagdating naman sa POGO sector.
May report si Erwin Aguilon: