Pagtitipon ng higit 1,000 katao ipinagbabawal na sa France

Sa France, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagtitipon-tipon na dadaluhan ng higit sa 1,000 katao.

Bahagi ito ng precautionary measures na ipinanatupad ng bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Minister Olivier Veran, ang hakbang ay makaraang umabot na sa 19 ang naitalang nasawi sa France.

Maglalabas din ng listahan ang health ministry office ng ng mga papayagang events partikular ang mga maituturing na “useful to national life”.

Kabilang sa mga naaapektuhan ng bagong kautusan ang mga sporting event gaya ng Six Nations Rugby showdon sa pagitan ng Scotland at France.

 

Read more...