Permit to operate na inisyu ng ERC sa MORE Power; provisional permit ng PECO binawi

Binigyan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) ang More Electric and Power Corp. (MORE Power) kasabay ng pagbawi naman sa provisional authority na una na nitong inisyu sa Panay Electric Co. (PECO).

Sa 3 pahinang kautusan na pirmado ni ERC Chairperson Agnes Devanadera sinabi nito na ang CPCN ay inisyu nila sa MORE Power matapos makuha nito ang distribution assets sa buong Iloilo City para tuluyang makapag-operate bilang bagong power distribution utility sa lalawigan.

“MORE Power has complied with the requirement that it acquire the adequate distribution assets after it took possession and deployed personnel to man and oversee all five substations in Iloilo City’s five districts and all the distribution lines after being issued a writ of possession (WOP) by the Iloilo City Regional Trial Court as an exercise of the new utility’s power to expropriate all distribution assets in the city,” nakasaad sa ERC order.

Ipinaliwanag ni Devanadera na dahil ang MORE Power na ang syang nangangasiwa sa buong distribution system kaya binawi na nito ang CPCN na kanilang inisyu sa PECO na temporary lamanppg habang nasa transition period.

Matatandaan na nagpaso noong Enero 2019 ang legislative franchise ng PECO at sa ilalim ng Republic Act 11212 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang More Power ang syang bagong power firm na binigyan ng prangkisa.

Maliban sa inisyung CPCN inaatasan din ng ERC ang More Power na kolektahin ang dating distribution charge na kinokolekta ng PECO at binibigyan din ng kapangyarihan na pumasok sa Power Supply Agreements (PSAs) para sa kanilang magiging supply ng kuryente.

Sa kasukuyan ay mayroon nang 4 na PSA agreement ang MORE Power sa electricity power generation companies na kayang magsupply ng kuryente sa may 80,000 consumers.

Kasunod ng pagkakakuha ng kanilang CPCN tiniyak ng pamunuan ng More Power na makakasa ang mga residente ng maayos at maasahang supply ng kuryente.

“We commit to be a good community partner with the people of Iloilo City as we ensure they get reliable, stable and continuous supply of electricity. MORE Power has made sure we have power supply agreements so the Ilonggos can breath free they wwill hve no power supply problems under our care,” pahayag ni Roel Castro, Presidente at Chief Executive Officer ng MORE Power.

Read more...