Simula ngayong araw, ipatutupad na ng presidential security group ang “no touch policy” kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III, sa Radyo Inquirer na napagkasunduan sa emergency contingency meeting kagabi sa malakanyang bilang tugon sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Durante, sinumang personalidad, dignitaries o mga pulitiko pati na ang mga PSG personnel ay sasailalim sa matinding screening at testing sa anumang uri ng sakit na may kaugnayan sa COVID-19.
“We tackled about strictly implementing preventive measures against the virus to ensure the safety of PRRD and the first family. Specifically, PSG will implement the no touch policy to the president. Personalities expected to get near the president especially during meetings and events will be thoroughly screened and tested for any illness related to ncov19. These include PSG personnel, politicians, and dignitaries.
Patuloy naman aniyang ia-assess ng PSG ang mga pagtitipon kung saan magsisilbing guest of honor at speaker ang pangulo para matiyak ang kaligtasan ng punong ehekutibo pati na ang mga attendees,” ayon kay Durante.
Ayon kay Durante, mahigpit din na babantayan ng PSG ang first family.
Patuloy din aniyang ipatutupad ang heath protocols at preventive measures sa buong Malacanang Complex kung saan sumasailalim sa thermal scanner ang sinumang pumapasok sa palasyo.