Lahat ng Pinoy galing sa mga bansang may COVID-19, dapat isailalim sa forced quarantine

Pinaakyson ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang mga local government units para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 kasunod ng naitalang local transmission ng virus.

Ayon kay Barzaga dapat obligahin ng LGUs na sumailalim sa 14-day quarantine ang lahat ng Pilipinong darating sa Pilipinas mula sa mga bansang may kaso ng COVID-19.

Dapat anyang ipagbigay-alam ng mga kinauukulan sa LGUs ang sinumang kababayan na nanggaling sa coronavirus hit-areas.

Sa ganitong paraan anya mababantayan sila ng lokal na pamahalaan at matitiyak na nasusunod ang 14-day quarantine period.

Tinukoy ni Barzaga ang nakapaloob sa Local Government Code na maaaring ipasa sa LGUs ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan para makatulong ito lalo na sa panahong kailangan tumugon sa problema o emergency.

Una rito, itinaas ng Department of Health sa code red ang alerto sa COVID-19 kasabay ang rekomendasyon para sa deklarasyon ng public health emergency.

Read more...