Greenhills Shopping Center ligtas puntahan – Mayor Zamora

Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa publiko na ligtas puntahan ang Greenhills Shopping Center matapos magpositibo sa COVID-19 ang lalaking madalas bumibisita sa prayer room doon.

Sinabi ni Zamora na nagsagawa na ng sanitation at disinfection sa prayer room at sa buong shopping mall.

Araw-araw na ring gagawin ang proseso na inumpisahan noong Biyernes.

Tiniyak din ng alkalde na lagi siyang magsasagawa ng pagbisita sa lugar para matiyak na naisasagawa ang sanitation at disinfection.

May itinalaga ring satellite area sa Greenhills Shopping Center para makapagpatingin agad ang mga tenant o shoppers na makararanas ng sintomas.

Read more...