Isang residente ng QC positibo sa COVID-19

Mayroon nang isang residente ng Quezon City ang positibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ipinatawag na pagpupulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ngayong umaga.

Ayon kay Belmonte, natanggap niya ang ulat mula sa Department of Health (DOH).

Maaring ang naturang pasyente ay isa sa huling apat na inanunsyo ng DOH na nagpositibo sa COVID-19.

Ang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa unang distrito ng lungsod.

Ngayong araw ay pagpupulungan ng City Government ang mga hakbang naipatutupad matapos na may makumpirma nang kaso ng sakit sa lungsod.

Kasabay nito umapela si Belmonte sa mga residente na huwag mag-panic at sa halip ay sundin ang mga alituntunin ng DOH hinggil sa pananatiling malinis ang pangangatawan at paghuhugas ng kamay.

Read more...