Dahil sa pagmamahal sa babaeng pulis, tomboy nagwala, 3 patay.

crime-scene-e1400865926320Patay ang tatlo katao makaraang magwala ang isang ‘tomboy’ makaraang hindi na ito uwian ng kanyang kinakasamang policewoman sa lalawigan ng Bohol.

Kabilang sa mga nasawi ang ina ng babaeng pulis at ang kapatid nito.

Napatay naman ng mga otoridad na rumesponde sa insidente ang ‘tomboy’ na suspek na nagsagawa ng krimen.

Kinilala ang napatay na suspek na si Maricel Ramos, 39 anyos na kinakasama ng pulis na si P01 Rosalie Cuario na pinaghahanap naman ngayon ng mga otoridad upang magbigay-linaw sa insidente.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagwala umano ang suspek nang mabigo itong mahanap ang kanyang kinakasamang pulis sa bahay ng pamilya nito sa Bgy. Calape, Ulbujan.

Naghinala umano ang suspek na itinatago ng pamilya ang kanyang pulis na kinakasama kaya’t dito na ito nagwala at walang habas na namaril.

Pinasok sa bahay ng suspek ang kapatid ni PO1 Cuario na si Vicente at ina nito na si Rosita Cuario na agad nitong pinagbabaril sa ulo gamit ang isang 9-mm na baril.

Malubha ring nasugatan ang isa pa sa mga kapatid ng pulis na si Joel na tinamaan ng bala sa mukha.

Napatay naman ng mga otoridad ang suspek nang paputukan din sila nito.

Ang paghihinala umano ng suspek na may iba nang kinakasama ang pulis na kanyang karelasyon ang puno’t-dulo ng krimen.

Read more...