‘Divorce’ pinayagan ng Korte Suprema sa kaso ng mag-asawang Muslim at Kristiyano

 

Inquirer file photo

Kinatigan ng Korte Suprema ang ‘divorce’ o paghihiwalay ng isang lalakeng Muslim at asawa nitong Katoliko na unang dinesisyunan ng Cotabato City 1st Sharia Circuit Court noong 2011.

Batay sa desisyon ng Korte Suprema, ligal ang ‘divorce’ o ‘talaq’ nina John Maliga at Sheryl Mendez dahil sa “irreconcilable religious differences”.

Ang ‘talaq’ ay pinapayagan sa ilalim ng Code of Muslim Personal Laws o Presidential Decree No. 1083 na nakabase sa Sharia o Islamic Law.

Ang dating mag-asawang sina Maliga at Mendez ay unang ikinasal sa isang Muslim ceremony noong April 2008, kung saan pumayag si Mendez na mag-convert sa Islam.

Gayunman, naghain ng diborsiyo ang lalakeng si Maliga matapos mabigo ang kanyang asawa na sundin ang mga dapat gawin ng isang babaeng nanananalig sa relihiyong Islam.

Bumalik din aniya ang kanyang asawa sa pagiging Katoliko walong buwan makalipas ang kanilang kasal at ipinasok pa ang kanilang anak sa isang Catholic school.

Bukod sa legal na paghihiwalay, ibinigay din ng Korte Suprema ang kustodiya ng kanilang anak sa ama nito na si Mendez.

Read more...