Water level ng Angat dam bahagyang nabawasan sa magdamag
Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydro-meteorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 201.15 meters 6:00 ng umaga ng Lunes (March 9) mas mababa sa 201.32 meters na antas ng tubig nito kahapon.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.08 meters mas mababa sa 77.12 meters na antas nito kahapon.
Bahagya namang nadagdagan ang water level ng Ipo dam na nasa 100.03 meters.
Samantala, nadagdagan din ang water level ng Binga at Ambuklao dam.
Habang nabawasan ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.