Unang naitala ang magnitude 4.7 na pagyanig sa 43 kilometers Southeast ng bayan ng Dolores, ala-1:04 madaling araw ng Lunes (March 9).
Ayon sa Phivolcs may lalim na 7 kilometers ang pagyanig.
Naitala naman ang instrumental intensity II sa Borongan City.
Ang lindol ay naitala sa 55 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Dolores at may lalim na 5 kilometers, ala-1:47 ng madaling araw.
Naitala ang instrumental intensity III sa Borongan City at instrumental intensity I sa Palo, Leyte bunsod ng pagyanig.
Tectonic ang origin ng mga lindol.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at hndi naman inaasahan ang after shocks matapos ang tatlong malalakas na pagyanig.