Qatar nagpatupad ng travel ban sa Pilipinas at 13 pang mga bansa na apektado ng COVID-19

Nagpatupad ng travel ban ang Qatar sa mga biyahero na mula sa Pilipinas at 13 pang mga bansa na apektado ng COVID-19.

Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan ng Qatar para maiwasan ang paglaganap doon ng sakit.

Maliban sa Pilipinas, sakop din ng travel ban ang sumusunod na mga bansa:

– Bangladesh
– China
– Egypt
– Iran
– Iraq
– South Korea
– Lebanon
– Nepal
– Pakistan
– Sri Lanka
– Thailand

Magsisimula ngayong araw, March 9 ang travel ban kung saan ang mga pasaherong darating sa Qatar na mayroong travel history sa nabanggit na mga bansa sa nakalipas na 14 na araw ay hindi na papapasuki.

 

Read more...