Kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura.
Ayon sa PAGASA, ang limang lugar kung saan nakapagtala ng highest temperatures kahapon March 8 ay ang mga sumusunod:
Tuguegerao City – 35.5 degrees Celsius
Pasay City – 35. 5 degrees Celsius
Pagasa Science Garden, QC – 35 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 34.9 degrees Celsius
Butuan City – 33.3 degrees Celsius
Ang heat index na naitala sa Quezon City ay umabot sa 39 degrees Celsius.
Ayon sa PAGASA, humina na ang northeast monsoon o amihan habang lumakas naman ang epekto ng easterlies sa bansa.
Ibig sabihin papalapit na ang panahon ng tag-init.
MOST READ
LATEST STORIES