Italy nagpatupad ng lockdown sa 16 na milyong residente dahil sa COVID-19

Naka-quarantine ngayon ang aabot sa 16 na milyong residente sa Italy dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Sakop ng lockdown ang lahat ng naninriahan sa Lombardy at 14 pang central at northern provinces sa Italya kasama ang Milan at Venice.

Ayon kay Prime Minister Guiseppe Conte, lahat ng naninirahan sa mga lugar na apektado ng lockdown ay kailangang kumuha ng special permission bago makabiyahe.

Ipinasara na dina ng mga paaralan, gym, museums, nightclubs at iba pang dinarayong lugar sa buong Italya.

Tatagal hanggang sa April 3 ang lockdown.

Umakyat na sa 7,375 ang bilang ng tinataman ng sakit na COVID-19 sa Italya at mayroon nang 366 na nasawi.

 

Read more...