Apat na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kinumpirma ng DOH

Umakyat na sa 10 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health nakapagtala pa ng apat na panibagong mga kaso.

Ang apat na pasyente ay kinuhanan ng samples noong Sabado (March 7) at kahapon araw ng Linggo (March 8) lumabas ang resulta.

Ang ikapitong kaso ay isang 38 anyos na Taiwanese na lalaki na nagkaroon ng contact sa isang Taiwanese din na bumisita sa Pilipinas at nagpositibo sa COVID-19.

Walang travel history ang paayente at ay nagsimulang makitaan ng sintomas noong March 3. Nakaadmit siya ngayon sa isang pribadong ospital.

Ang ikawalong kaso ay isang 32 anyos na Filipino na may travel history sa Japan sa nakalipas na 14 na araw.

Nagsimula siyang makitaan ng sintomas noong March 5 at siya ay nagpapagaling din sa isang pribadong ospital.

Ang ikasiyam na kaso ay isang 86 anyos na lalaking American na mayroong pre-existing hypertension at may history ng pagbiyahe sa USA at South Korea.

March 1 nang magsimula ang kaniyang sintomas at ginagamot din siya ngayon sa isang private hospital.

Ang ikasampung kaso ay isang 57 anyos na Pinoy na walang travel history.

Napaulat na nagkaroon ito ng contact sa isang COVID-19 patient pero iniimbestigahan pa ng DOH ang detalye ng kaniyang exposure.

 

Read more...