Isa pang Filipino sa Hong Kong, nagpositibo sa COVID-19

Isa pang Filipino sa Hong Kong ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag, kinumpirma ito ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.

“She is in good spirits and not showing any symptoms,” ayon sa konsulado.

Ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, nananatili naman ang Filipino worker sa quarantine facility sa Hong Kong para mabigyan ng lunas.

Samantala, sinabi ng konsulado na nagpaabot na sila ng mga kinakailangang tulong sa Filipino worker.

Ito na ang ikaapat na Filipino na nagpositibo sa nasabing sakit sa Hong Kong.

Matapos ma-discharge ang unang pasyenteng Filipino noong Biyernes, nasa kabuuang tatlong Filipino COVID-19 positive patients ang nananatili pa sa ospital.

Read more...