Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, Linggo ng hapon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA dakong 5:24 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Cavite at Laguna.

Kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Nueva Ecija partikular sa Gapan at General Tinio; at maging sa Bulacan sa bahagi ng San Miguel at Doña Remedios Trinidad.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Pinag-iingat naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...