Nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na nagdudulot ito ng mainit na panahon lalo na tuwing tanghali at hapon sa buong bansa.
Hindi na aniya umaabot ang Northeast Monsoon o hanging Amihan sa bansa.
Samantala, tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Palawan bandang 2:00 ng hapon.
Dahil dito, sinabi ni Aurelio na patuloy na makararanas ng maalinsangang panahon sa buong bansa sa susunod na 24 oras.
Posible pa rin naman aniyang magkaroon ng isolated light rains bunsod ng thunderstorm sa buong bansa.
MOST READ
LATEST STORIES