Ito ay kahit na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang State of Public Health Emergency at nasa Code Red na ang bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi naman crowded o matataong lugar ang mga tanggapan ng gobyerno.
Nasa lokal na pamahalaan na ang pagpapasya kung magsususpinde ng klase kung sa tingin nila ay may pangangailangan.
Hindi pa naman aniya umaabot sa punto na kinakailangan na mag-panic ang pamahalaan sa COVID-19.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na walang balak si Pangulong Duterte na limitahan ang public engagement.
Ayon kay Panelo, marami pang nakapilang schedule na aktibidad si Pangulong Duterte at wala pa namang kinakansela.
Wala rin aniyang balak ang Palasyo na magpatupad ng lockdown sa Malacañang complex.
Hindi rin naman crowded ang Malakanyang.